Sunday, June 24, 2007

"Ang aking Karanasan"

Ang buhay koy punong-puno ng karanasan.
Mula nong pagkabata hanggang sa pumasok sa paaralan.
Maraming karanasan ang aking pinagdaanan,
Pagkat ang ating buhay ay totoong ganyan,
Kaya maraming pangarap ang aking inilaan,
Para ito sa aking kinabukasan.

Hanggang sa ako'y lumaki at nagsimulang tuparin
ang lahat ng aking pangarap.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.
Maaaring matupad ang lahat ng pangarap.
At kahit na naghihirap at walang maipambayad,
Ay sige ng sige parin makapag-aral lang.

At ngayon nga ay magtatapos na sa elementarya,
Ang aking mga magulang ay napakasaya.
At kahit na maraming mga pinagdaanan,
Ang lahat ay makakaya kapag magsisipag lang,
At kahit na walang makuhang medalya,
Ang mahalaga ay makapagtapos lang nang pag-aaral.

Ngayon ay panibagong karanasan naman ang mabubuo
Dahil papasok na sa sinasabing pinakamahirap na pagsubok
ang mapagdadaanan.
Makakakilala ng mga bagong kaibigan.
At sasagot sa mga mahihirap na tanong.
Maaari ngang mahirap pero kakayanin.

Ngayon ay malapit na ako sa aking pangalawang
pangarap na sana matupad.
Itong pangarap na'to ang magdadala sa aking ambisyon.
Dahil gusto kong makatulong sa aking magulang,
Dahil kung wala sila sa aking tabi at nagtitiwala
sa aking kakayahan,
Nagpapasalamat ako sa kanila ng buong puso.